Matthew 8:1-4

Pinagaling ni Jesus ang Lalaking May Malubhang Sakit sa Balat

(Mar. 1:40-45; Luc. 5:12-16)

1Nang bumaba na si Jesus mula sa bundok, sinundan siya ng napakaraming tao. 2Lumapit sa kanya ang isang lalaking may malubhang sakit sa balat
malubhang sakit sa balat: Sa ibang salin ng Biblia, ketong. Ang Griegong salita nito ay ginamit sa ibaʼt ibang klase ng sakit sa balat na itinuturing na marumi ayon sa Lev. 13.
at lumuhod sa harap niya, at sinabi, “Panginoon, kung gusto nʼyo po, mapapagaling nʼyo ako upang maituring akong malinis.”
3Hinawakan siya ni Jesus at sinabi, “Gusto ko. Luminis ka!” Agad na gumaling ang kanyang sakit at luminis siya. 4At sinabi sa kanya ni Jesus, “Huwag mo itong sasabihin kaninuman. Sa halip, pumunta ka sa pari at magpasuri. Pagkatapos, maghandog ka ayon sa iniutos ni Moises bilang patunay na malinis ka na.”

Copyright information for TglASD